140 drug personalities, isinailalim sa rehab program

Balita - - News - Orly L. Barcala

Panibagong buhay ang kakaharapin ng 140 drug personalities sa kanilang pagsalang sa 6-months Community Based Rehabilitation Program (CBRP) ng Malabon City government, sa pamumuno ni Mayor Len Oreta.

Saksi sa pagtatapos ng mga drug dependents sina Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Gregorio N. Lim at National Capital Regional Office (NCRPO) Director General Guillermo Lorenzo Eleazar, na ginanap sa Malabon Amphitheater, F. Sevilla Street, Barangay San Agustin, Malabon City.

Ayon kay Mayor Len Oreta, ang naturang programa ng pamahalaang lokal ay may temang “Panunumbalik Natin”, na layuning bigyan ng pagkakataon na makapagbagongbuhay ang mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.