Nagwala dahil sa selos, dedo

Balita - - News - Jun Fabon

Patay ang isang lalaki nang magwala at madulas hanggang sa bumagsak sa basag na salamin sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PO1 Morshid D. Tanog ng Criminal Investigation and Detection Unit-Quezon City Police District (CIDUQCPD) ang nasawi na si Ryan Castro Moreno, 24, No. 9749 Kasunduan Street, Barangay Commonwealth ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng CIDU, nagwala si Moreno dahil umano sa pagseselos sa kanyang kinakasama sa loob ng kanilang bahay, dakong 8:00 ng gabi kamakalawa.

Lasing umano si Moreno at sinuntok ang kanilang salamin at nabasag hanggang sa nawalan siya ng balanse at tuluyang nadulas sa mga tibo ng salamin.

Isinugod sa ospital si Moreno, ngunit hindi na umabot nang buhay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.