Misis binoga ni mister

Balita - - News - Fer Taboy

Nagbaril sa sarili ang isang retiradong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos umano nitong barilin ang kanyang misis sa Barangay Inayawan, Cebu City, nitong Biyernes ng gabi.

Sa datos ng Cebu City Police Office (CCPO), kinilala ang nasawing magasawa na sina Gina Cabo, negosyante; at Aldrin Cabo, kapwa nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ni PO1 Jaymos Tordeos, ng CCPO, binaril muna ni Aldrin ang kanyang misis bago nagpakamatay.

Sa salaysay ng ina ng biktima, kagagaling sa inuman ng suspek nang dumating ito sa bahay at kinumpronta ang asawa.

Ayon kay Tordeos, nagalit umano si Aldrin nang malaman na pumunta si Gina sa Palawan, kasama ang mga kaklase, nitong nakaraang linggo.

Binaril at napatay ng suspek ang biktima bago naman ito nagpakamatay.

Paliwanag pa ng awtoridad, matagal nang nakipaghiwalay ang biktima sa suspek dahil madalas umano ang pambubugbog nito sa kanya. Isa sa sinisilip na mga motibo sa pamamaslang ang madalas umanong pagseselos ng suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.