State of calamity sa Ecija

Balita - - News - Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Dahil sa matinding pinsala ng bagyong 'Ompong', lalo na sa sektor ng agrikultura, isinailalim na sa state of calamity ang Nueva Ecija.

Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction & Management Council (PDRRMC), na agad na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod (SP).

Sa datos ng PDRRMC, aabot sa P2.7 bilyon ang halaga ng nasirang pananim sa palay; P63 milyon sa high value crops; P1.8 milyon sa mais; at P3.7-M sa livestock at poultry.

Pagdating sa mga bayan at lungsod, pinakanaapektuhan sa palay ay ang Llanera, P385 milyon; sinundan ng Munoz, P244 milyon; at Jaen, P232 milyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.