TABLA!

Ancajas, napanatili ang IBF super fly title

Balita - - Sports - Espeña Gilbert

WALANG knockout, ngunit napanatili niPinoy champ Jerwin Ancajas ang International Boxing Federation (IBF) super flyweight title sa 12-round split draw laban kay Alejandro Santiago Barrios ng Mexico Biyerne ng gabi (Sabado sa Manila) Oracle Arena sa Oakland, California sa United States.

Lamang na lamang sa bigwasan si Ancajas, sa kbila ng hit and run tactics ni Barrios subalit split draw ang nagging desisyon ng mga hurado.

Nanalo kay judge Michael Tate si Ancajas sa iskor na 116112 samantalang pinaboran ni Marshall Walker sa iskor na 118111 si Barrios samantalang ibinigay ng huradong si Chris Wilson ang patas na 114-114 iskor.

“IBF junior bantamweight Jerwin Ancajas (28-1-2, 19 KOs) barely retained his title with a twelve round draw against Alejandro Santiago (16-2-5, 7 KOs) on Friday night at the Oracle Arena in Oakland, California,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “The aggressive Santiago gave Ancajas all he could handle, and in the end scores were 116-112 Ancajas, 118111 Santiago, 114-114.” Ito ang ikaanim na matagumpay na depensa ni Ancajas mula nang matamo ang IBF super flyweight crown kay MacJoe Arroyo ng Puerto Rico na napabagsak niya sa 8th round para talunin sa 12-round unanimous decision noong 2016 sa Taguig City, Metro Manila.

Naidepensa ni Ancajas ang IBF title kina Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico (RTD 7), Teira Kinoshita ng Japan (TKO 7), Jamie Conlan ng United Kingdom (TKO 6), Israel Gonzalez ng Mexico (TKO 10) at Pilipinong si mandatory contender Jonas Sultan (UD 12).

JHAY OTAMIS/PHILBOXING.COM

NASIKWAT sa panga ni Ancajas ang karibal sa kaagahan ng kanilang laban.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.