Bagong oil price hike, aabot sa P1.40

Balita - - Pangunahing pahina - Bella Gamotea

Ayaw paawat ang oil price hike sa bansa, at magpapatupad pa uli ng panibago sa unang linggo ng Oktubre, matapos ang apat na linggong magkakasunod na taas-presyo sa petrolyo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.30 hanggang P1.40 ang kada litro ng diesel, habang 80-90 sentimos naman sa gasolina.

Ang nagbabadyang malaking dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Setyembre 25 nang nagtaas ng 40 sentimos sa gasolina, 20 sentimos sa diesel at 15 sentimos naman kerosene.

Sa apat na linggong oil hike ngayong buwan, nasa kabuuang P2.50 na ang nadagdag sa presyo ng gasolina, P2.15 sa diesel, at P1.95 naman sa kerosene.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.