Inflation lolobo sa 6.8%—BSP

Balita - - Pangunahing pahina - Beth Camia

Posibleng pumalo sa 6.8 porsiyento ang inflation rate ng bansa ngayong Setyembre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa Department of Economic Research ng BSP, ang projected range nila ay nasa 6.3-7.1%, ngunit posible aniyang lumapag ang inflation sa 6.8%.

Mas mataas ito sa 6.4% na naitala nitong Agosto, ang pinakamataas sa nakalipas na siyam na taon.

Itinuturong dahilan ng BSP ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, mahal na presyo ng bigas at iba pang produktong agrikultural, dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Ompong’, at maging ang paghina ng piso.

Tiniyak naman ng BSP na babantayan nito ang papataas na kondisyon ng inflation upang masiguro na ang monetary policy ay nananatiling nakaangkla sa price stability mandate ng ahensiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.