PH Team sa YOG

Balita - - Sports - Annie Abad

PITONG batang atleta ang nakatakdang sumabak sa Youth Olympic Games (YOG) sa Buenaos Aires Argentina sa Oktubre 6-12.

Pangungunahan ng Asian Games double gold medalist golfer na si Yuka Saso na siyang magiging flag bearer ng Pilipinas sa kampanya ng bansa, kasama sina Jann Mari Nayre ng table tennis, Nicole Marie Tagle ng archery, Christian Tio ng sailing kiteboarding, gayundin angb swimmer na si si Nicole Oliva, ang fencer na si Lawrence Tan at isa pang golfer na si Carlo Jano Corpus.

Tiwala ang chef de mission na si Jonne Go na magbibigay ng karangalan sa bansa ang pitong nabanggit na atleta gayungbtaglay nila ang galing at talento upang sabak sa YOG.

"I hope this batch of Filipino athletes in the Youth Olympic Games can also bring home a medal similar to.what we have accomplished in previous YOG," pahayag ni Go na siya ring President's ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF).

Nag-uwi ng gintong medalya si Gab Moreno buhat sa archery noong nakaraangYOG na ginanap sa China noong 2014.

Samantala, kasama nina Go si Philippine Olympic Committee (POC) secretary general Patrick Gregorio at iba pang anim ba coaches at tatlong opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.