Fare discount sa estudyante

Balita - - News - Mario B. Casayuran

Asahan na ng mga estudyante ang 20 porsiyentong diskuwento sa pasahe kapag ipinasa na ng Senado ngayong linggo ang panukalang magpapalawak sa student fare discount para saklawin maging ang pasahe sa eroplano, barko, at riles.

Inakda ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate ways and means committee, inaprubahan nitong Martes ang Senate Bill 1597 sa ikalang pagbasa.

“We thank our colleagues for their overwhelming support. We hope the counterpart bill will also soon be passed by the House of Representatives,’’ ani Angara. “Even with the free tuition, we need to help families with daily school expenses. Ang matitipid sa pamasahe ay makatutulong para sa iba pang gastusin at pangangailangan ng ating mga mag-aaral.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.