Lindol, tsunami sa Indonesia: 48 patay

Balita - - News -

JAKARTA (AFP/Reuters) - Inaasahan na patuloy pang madaragdagan ang bilang ng mga nasawi lindol na nagdulot ng tsunami sa Sulawesi, Indonesia, nitong Biyernes.

Mahigit 48 katao na ang naitalang namatay, habang patuloy na nagkukumahog ang mga rescuers na marating ang nasalantang isla.

Unaumanongnaramdamanang7.5magnitude nalindol,natumamasacentralSulawesi,bandang6:00 nghapon(1100GMT),ayonsaUSGeologicalSurvey.

Sa isang video footage mula sa isang parking ramp sa baybaying ng Palu, nakunan ang paglamon ng dambuhalang alon sa ilang gusali at paglubog sa tubig ng malaking mosque.

“There are reports that many buildings collapsed in the earthquake,” pahayag ni national disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho.

Samantala, pahirapan ang makikipagugnayan sa isla lalo’t nagkaroon din ng power outage sa ilang bayan dulot ng tumamang lindol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.