50M sa FB, apektado ng security breach

Balita - - News -

NEW YORK (AP) — Iniulat ng Facebook ang isang major security breach, kung saan nasa 50 milyon user accounts ang napasok umano ng mga unknown attackers.

Nagawa umano ng mga umatake “[the ability to] seize control of those accounts,” ayon sa Facebook, matapos na nakawin ang digital keys na ginagamit ng kumpanya upang makapaglog in ang mga tao. Dahil pansamatalang ini-log out ng Facebook ang 50 milyong may-ari ng mga apektadong account gayundin ang iba pang 40 milyon na maaaring mapasok.

Hindi pa naman natutukoy ng kumpanya kung sino ang nasa likod ng pag-atake o kung saan ito nagmula. Sa isang panayam sa isang reporter, sinabi ni CEO Mark Zuckerberg na kaya umanong makita ng mga umatake ang mga pribadong mensahe o post sa isang account ngunit wala naman umanong senyales na nagawa ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.