Kylie nagpadede sa CR ng mall

Balita - - Showbiz Atbp. - Nitz Miralles

HINDI pa rin dinedelete ni Kylie

Padilla ang post niya sa Instagram ng litrato niya habang nagpapadede at nakaupo sa toilet bowl sa loob ng cubicle ng restroom sa isang mall.

Ito ay kahit may mga kumontra sa kanyang ginawa, dahil hindi daw right place for breastfeeding ang banyo, lalo na kung nakaupo siya sa toilet bowl.

Ipinaalala kay Kylie na marumi ang restroom for breastfeeding, lalo na sa pinuwestuhan niya. Isang flush lang daw, milyong germs na ang lumalabas at malilipat sa tao at sa anak niyang si Alas ang nasabing germs.

May nagalit kay Kylie, at sinabing hindi raw nag-ingat ang aktres. Napakarumi raw ng restroom. May nag-akusa pa sa kanyang nagpapasikat lang kaya ipinost ang picture na nagpapadede siya.

May mga kumampi rin kay Kylie; OA lang daw ang ibang nagcomment at isipin nilang may kanikanyang sinusunod ang mga nanay kung paano aalagaan ang kanilang mga anak.

Pero tiklop ang lahat ng nagcomment ng nega sa pagpapadede ni Kylie sa restroom nang magpost ang stepmom niyang si Mariel

Rodriguez: “Good job, Momma!!!”

Kylie at Alas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.