Jolo, itinama ang ‘bola muna, bago droga’

Balita - - Showbiz - Remy Umerez

DUMALO ang actor-politician na si Jolo

Revilla sa isang basketball event sa kanyang nasasakupan. Bilang panauhing pandangal ay hiningian siya ng mga organizer ng mensahe para sa kabataan. Sa kanyang talumpati ay binanggit ni Vice Gov. Jolo na “bola muna, bago droga” na medyo tagilid kaya mabilis niya itong binawi at itinuwid.

Samantala, balik industriya na ulit ang Imus Productions na ang mga Revilla ang producer. Sa kanilang pagbabalik ay ilalabas nila ang pelikulang Tres na mismong sina Jolo, Bryan, at

Luigi Revilla ang mga bida.

Bakit kaya hindi lang “Brothers 3” ang ginawang pamagat imbes na Tres? By the way, may special participation din dito si mayora

Lani Mercado, na matagal na ring nakabante sa pagganap. Maliwanag pa sa sikat ng araw na this is a family affair.

Sana ay maging maayos ang kita sa takilya ng Tres, nang sa gayon ay magtuluy-tuloy na ang paggawa ng pelikula ng Imus Productions. Showing na ito sa mga sinehan sa Miyerkules, Oktubre 3.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.