JM, ‘di priority ang love life

Balita - - Pangunahing pahina - Nitz Miralles

HINDI pa man naipapalabas ang pelikula nina JM de Guzman at Rhian Ramos na Kung Paano Siya Nawala dahil sa November 14, pa ang showing, ay may kasunod na pelikula na agad si JM. Kasalukuyang pinagkakaabalahan ngayon ni JM ang Last Fool Show katambal ang aktres na si Arci Muñoz under N2

Productions ni Neil Arce.

Sa Boracay ang shooting ng movie na sa nabasa namin, si Eduardo Roy, Jr. ang direktor. Ang Last Fool Show ang unang movie na nag-shooting sa Boracay pagkatapos ng re-opening nito.

Kaya pala nasabi ni JM sa presscon ng Kung Paano Siya Nawala na hindi niya priority ang love life at focus muna siya sa career ngayon dahil nga sa sunud-sunod ang projects at offers na dumarating sa kanya.

JM

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.