R100K ayuda kay Dalquez

Balita - - News - Bella Gamotea

Ipinagkaloob na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang P100,000 financial assistance kay Jennifer Dalquez, ang Pinay na nailigtas sa death row sa United Arab Emirates (UAE).

Mismong si Foreign Affairs Undersecretary for Strategic Communications and Research Ernesto Abella ang nag-abot ng nasabing ayuda ng pamahalaan, nitong Miyerkules.

Layunin, aniya, ng pagtulong ng DFA na makapagsimula muli ng panibagong buhay si Dalquez sa Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Dalquez sa lahat ng tulong na ipinagkaloob sa kanya ng gobyerno.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng tulong n’yo sa akin para ako’y mapalaya. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng tulong n’yo para makapagsimula ng bagong buhay sa Pilipinas, kasama ang aking pamilya,” ani Dalquez.

Plano ngayon ni Dalquez na gamitin ang naturang pera sa pagsisimula ng maliit na negosyo sa General Santos City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.