Lalabag sa SRP, babawian ng lisensiya—NFA

Balita - - News - Beth Camia

Binalaan kahapon ng National Food Authority (NFA) ang mga negosyanteng nagtitinda ng bigas na posible silang mawalan ng lisensiya kapag lumabag sila sa suggested retail price (SRP) na ipinaiiral ng Department of Agriculture (DA).

Kahapon, pormal nang sinimulan ang implementasyon ng SRP ng bigas sa mga probinsiya.

Banta ni NFA Spokesperson Jerry Imperial na huhulihin nila ang negosyanteng lumalabag sa SRP at tatanggalan pa ng lisensiya.

Bukod sa pagpapawalang-saysay ng lisensiya, mahaharap din sila sa pagkakakulong at sa pagmumulta nang malaking halaga.

Magtatalaga, aniya, ang NFA ng mga pulis at inspector, gayundin ang mga Department of Trade and Industry (DTI) official sa mga palengke at tindahan ng bigas para i-monitor ang pagsunod ng retailers sa SRP.

Nasa P39 kada kilo ang local regular milled at imported well milled rice.

Ang local well milled rice naman ay P44 kada kilo habang nasa P40-P43 per kilo ang imported premium grade rice, at P47 ang premium grade.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.