Sumyota ng tulak, tinodas

Balita - - News - Orly L. Barcala

Patay ang isang negosyante, na umanoy nakipagrelasyon sa babaeng drug pusher, makaraang tambangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman, habang naglalakad kasama ang kanyang misis, sa Navotas City, nitong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot si Ronnie Barrot, 35, ng Fernando Street, Barangay Tangos South, Navotas, dahil sa mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kanang kamay at leeg.

Kuwento ng misis ni Barrot, bandang 7:30 ng gabi ay naglalakad sila sa Interior Bgy. NBBN nang biglang sumulpot ang suspek sa kanilang harapan at pinagbabaril ang biktima.

Nang matiyak na patay na ang negosyante, naglakad lang papatakas ang suspek at iniwan ang umiiyak na ginang sa tabi ng biktima.

Ayon sa ginang, may nakarelasyon ang kanyang mister na babaeng sangkot sa bentahan ng droga, pero hiniwalayan na ito ni Barrot noong nakaraang buwan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.