3 timbuwang sa anti-drug ops

Balita - - News - Fer Taboy

Tumimbuwang ang tatlong umano’y drug suspect nang makipabarilan sa mga awtoridad sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa Cavite, kahapon.

Sa report ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), kinilala ang mga napatay na sina Rodelito Pelayo, Artajule Sarinas, at Roberto Glori.

Sina Pelayo at Sarinas ay napaslang ng mga tauhan ng Kawit Municipal Police nang manlaban umano sa pag-aresto.

Paliwanag naman ni Kawit Police chief, Chief Insp. Richard Corpuz, karamihan sa mga parokyano ng dalawa ay mga construction worker sa nasabing lugar.

Narekober umano sa dalawang suspek ang dalawang .38 caliber revolver.

Napatay naman si Glori matapos umano nitong paputukan ng baril ang mga pulis sa General Mariano Alvarez, sa lalawigan.

Bibili sana ng ilegal na droga ang mga pulis sa bahay ni Glori sa Barangay San Jose nang bigla umano silang barilin nito, kahapon ng madaling araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.