Wanted, timbog

Balita - - News - Light A. Nolasco

GUIMBA, Nueva Ecija - Bumagsak na rin sa kamay ng mga awtoridad ang isang waiter na matagal nang pinaghahanap kaugnay ng kinakaharap nitong kasong kriminal sa Guimba, Nueva Ecija, nitong Biyernes.

Kinilala ni Supt. Gerald Licyayo, hepe ng Guimba Police, ang naaresto na si Rafael Nathaniel Arota, 32, may asawa, ng nasabing lugar.

Dinakip ang suspek sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Cawayan Bugtong, Guimba, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Bayombong, Nueva Vizcaya Regional Trial Court Branch 29 Judge Ciceron Jandoc, sa kasong qualified theft.

Nasa kustodiya na ng Guimba Police si Arota, at nakatakdang ilipat sa kustodiya ng Bayombong Police.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.