Road improvement sa Boracay, inaapura

Balita - - News - Jun Aguirre

BORACAY ISLAND - Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos ang unang bahagi ng road upgrading sa isla ng Boracay, bago mag-Pasko ngayong taon.

Ayon sa DPWH, naantala ang road improvement sa isla dahil sa serye ng bagyo at malalakas na ulan, kamakailan.

Simula nang isara sa publiko ang isla nang anim na buwan, nagsimula ring magsagawa ng road upgrading ang DPWH sa isla.

Umabot sa 4.1 kilometer na circumferential road sa Boracay ang kasalukuyang minamadaling matapos ng nasabing departamento bago matapos ang taon.

Nilinaw ng DPWH na nasa 85 porsiyento na ang natapos sa road upgrading.

Sa susunod na taon, sisimulan naman ang ikalawang bahagi ng proyekto na sumasaklaw sa 3.5 kilometro, kasama na rito ang mga access at alternate roads.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.