Drug suspect, tiklo

Balita - - News - Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac - Natimbog na ng pulisya ang isang umano’y drug pusher sa inilunsad na kampanya ng pulisya kontra ilegal na droga sa Barangay Barang, Paniqui, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PO2 Joemel Fernando ang suspek na si Erwin Clemente, 26, may asawa, ng nasabing barangay.

Nakumpiska umano mula kay Clemente ang apat na transparent plastic sachet ng malaking gramo ng shabu kapalit ng P500 marked money.

Nakatanggap ng impormasyon ang Paniqui Police na nagbebenta umano ng droga si Clemente sa lugar, kaya tinarget ito sa buy-bust operation.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.