Kelot, tiklo sa panghihipo

Balita - - News - Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac - Arestado ang isang lalaki kaugnay ng kinakaharap na Acts of Lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng isang babae sa San Jose, Tarlac, kamakailan.

Hindi na nakapalag si Isagani Turma, 47, binata, ng Barangay Iba ng nasabing bayan, nang dakmain ito ng mga pulis habang nagsusugal sa Bgy. David sa nasabing bayan.

Nauna nang dinampot si Turma sa naturang lugar, sa kasong illegal gambling o paglabag sa Presidential Decree 1602.

Nang isailalim sa interogasyon, natuklasan na may nakabimbing kasong kriminal at mayroon ding arrest warrant na may petsang Agosto 22, 2013 laban sa suspek.

Itinakda ng hukuman ang P80,000 piyansa para kay Turma.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.