Lloydie, hinanap sa burol ni Rico J.

Balita - - Showbiz Atbp. - Ni NITZ MIRALLES John Lloyd

HINANAP si John Lloyd Cruz sa burol ni Rico J. Puno dahil ni minsan ay hindi raw dumalaw si John Lloyd sa burol si Rico gayung matagal silang nagkasama sa comedy show ng ABS-CBN na Home Sweetie Home. Hindi lang sila magkasama dahil kung hindi kami nagkakamali, si Rico ang gumanap na ama ni John Lloyd sa show.

Siguradong may rason kung bakit hindi pumunta sa burol ni Rico si John Lloyd at siya lang ang makapagsasabi kung bakit. Ang mga gaya nating mga walang alam ay walang karapatang mag-comment.

Anyway, sa Instagram (IG) account ng isang kaibigan nina John Lloyd at Ellen Adarna, ay may nakapost na, “#JL pays tribute to rico j. Puno.” Sa post ay makikita ang larawan ng Mr. Total Performer at ng turntable habang tumutugtog ng isa sa mga kanta ni Rico.

Sa paghahanap ng balita ay may nakita kaming IG account na maraming pictures ni John Lloyd at kapansin-pansin ang mga hashtag na #simplelife #simplengtao #happyjl #lowprofile #babylove.

Ibig sabihin, masaya si John Lloyd sa buhay niya ngayon. Hayaan muna natin siyang mag-enjoy sa piling nina Ellen at baby boy nilang si Elias Modesto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.