It is my honor to be a Kapuso —Camille

Balita - - Showbiz Atbp. - Nitz Miralles

MALI ang balitang babalik sa ABS-CBN si Camille Prats

pagkatapos mag-expire ng kanyang kontrata sa GMA Network dahil pumirma ng kontrata si Camille sa GMA Artist Center. Under GMAAC na ang TV host-actress, wala na siya kay Arnold Vegafria at ang co-manager niya ngayon ay si Jojo Ampeloquio.

Ibig sabihin din, mananatili sa GMA Network si Camille at magpapatuloy ang Mars nila ni Suzi Entrata-Abrera.

Post ni Camille: “Signed and sealed! Renewed my ties with my home network for 12 years and counting, now as part of GMA Artist Center. Thank you so much for welcoming me with open arms and for the trust and support you have given me since day one, for believing in me as an actress and a host. A lot has happened in my 12 years with the network, I would like to believe that I have grown as an actress, host and as a person. It is my honor to be a kapuso and I will always be proud to be one. Thank you ninang @ligoras ms @ggslara and the entire Artist Center team, my manager @joamps3 and my @talentmarketers.inc family. Cheers to more years together.”

Isa sa mga nag-congratulate kay Camille sa pagpirma niya ng kontrata under GMAAC ay ang kapatid niyang si John Prats. “Congrats Cams” ang sabi ni John na pinasalamatan naman ni Camille.

Matatandaan na napabalitang lilipat din sa GMA-7 si John, pero naudlot at hanggang ngayon ay Kapamilya pa rin siya.

Camille

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.