Susunod na oil price rollback, nasa P2

Balita - - Pangunahing pahina - Myrna M. Velasco

Magkakaroon na naman ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, halos P2 kada litro ang ibabawas sa diesel, habang nasa P1.60 hanggang P1.70 bawat litro ang itatapyas sa kerosene.

Ito na ang ikalimang linggong rollback sa presyo ng langis na ipatutupad ng mga oil company bunsod na rin ng patuloy na pagbaba ng presyo ng nasabing mga produkto sa pandaigdigang pamilihan.

Sa pag-aaral naman ng mga eksperto, isa lamang sa itinuturong dahilan ng pagbaba ng presyo ng langis ay ang matatag na supply nito sa merkado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.