Somalia: 4 car bombs sumabog, 22 nasawi

Balita - - News -

MOGADISHU, Somalia (AP) — Apat na car bomb ng Islamic extremists ang sumabog sa labas ng isang hotel sa kabisera ng Somalia na Mogadishu nitong Biyernes ng hapon, na pumatay sa mahigit 22 katao, ayon sa ulat ng pulisya.

Matapos ang tatlong pagsabog sa harapan ng hotel, sinapol ng ikaapat na pagsabog ang medics na sasaklolo sana sa mga nasugatan.

Ilan pang suicide bombs ang natagpuan sa paligid ng Sahafi Hotel na kalapit lang ng Criminal Investigations Department ng Somali Police Force, habang napatay naman ng mga awtoridad ang apat na armado na nagtangkang pumasok nsag hotel.

Kaagad na inako ng Islamic extremist rebels na al-Shabab ang responsibilidad sa pagpapasabog.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.