P60-M pekeng yosi, nasabat

Balita - - News - Ni JUN FABON

Tinatayang aabot sa P60 milyon halaga ng pekeng sigarilyo, na may peke ring stamp, ang nakumpiska sa operasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Ormoc City,

kamakailan.

Paliwanag ni NBI special investigator Jess Gadaingan, nakakuha sila ng impormasyon kaugnay ng bigtime syndicate na patagong nagbebenta ng ilegal na sigarilyo sa lungsod.

Nagmula, aniy,a ang kontrabando sa isang kumpanya sa lugar ng Cogon sa Ormoc.

Sinabi ni Gadaingan na aabot sa 2,000 kahon ng pekeng sigarilyo ang nasabat sa operasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.