Dennis at Jennylyn, on fan mode sa Queen

Balita - - Showbiz - Nitz Miralles

SA November 13 ang presscon ng actiondrama na Cain at Abel na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo at doon natin malalaman ang complete story ng serye na magpa-pilot na sa Nov. 19. Sa ngayon, sunud-sunod ang pagpapalabas ng teaser ng action scenes nina Dingdong at Dennis.

Naunang mag-post si Dingdong sa kanyang Instagram (IG) account ng solo picture ni Dennis na may hawak na baril, na may caption na, “Kakampi. Kaaway. Kapatid.”

Sinagot ito ni Dennis sa papamgitan ng pagpo- post ng video clip ng teaser ng Cain

at Abel na ni-like ni Dingdong. Maganda ang teaser at puno ng aksyon, kaya mas na-i-excite ang fans at Kapuso viewers na mapanood ang teleserye. Samantala, nanood sina Dennis at

Jennylyn Mercado ng Bohemian Rhapsody.

Nag-post pa siya ng picture nila ni Jennylyn kasama ang poster ng pelikula. Caption ni Dennis sa photo, “Proud QUEEN. Fan since grade 2! Kasama ang aking love of my life.” Heart emojis naman ang sagot sa kanya ni Jennylyn.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.