Ika-86 na labas

Balita - - Libangan - R.V. VILLANUEVA

PASADO las singko ng hapon, pauwi na si Fermin mula sa biyahe nang makatanggap siya ng tawag sa kanyang cellphone mula kay Nenamia.

Itinanong ni Nenamia kung gusto ni Fermin na magkita sila uli.

“O-oo...oo naman.” Pabigla at hindi mankantututo si Fermin sa pagsasagot.

“Sige. Kung oks ka, oks din ako.”

Itatanong sana ni Femin kung kailan at kung saan sila magkikita, hindi na niya nagawa. Pinutol na ni Nenamia ang linya nito.

Hinayang na hinayang si Fermin. Ang dami pa sana niyang gustong tanong. Bakit pinutol kaagad ni Nenamia ang linya? Tiyak na may malaking dahilan. Nahuli ba ng mahigpit na mister ang pakikipagtawagan sa kanya?

Saka muling nabuhayan ng loob si Fermin. Naisip niya. Tiyak na tatawag uli si Nenamia. Hindi puwedeng hindi. Ang daming dapat linawin. Ang pinak-importante ay kung saan at kung kailan sila magkikita.

Naghintay siya. Hintay. Mali, pinaandar niya ang kanyang sasakyan. Ang kanina pang nagbabantang sama ng panahon ay lalo nang lumubha. Hindi naglaon, ibinuhos ang sama ng panahon.

Nasa Malolos na siya.Tikatik na ang ulan. Noon niya naisip. Inasam pa niya na magkikita sila ni Nenamia. Pero halos ay hindi na mangyayari iyon. Saka nga pala, paano siya natawagan ni Nenamia ay hindi naman noon alam ang numero ng kanyang selpon?

Humpt! Saka na lang niya naisip, if theres is a will, there is a way.

Halos ay naroon na sa may lugar nila si Fermin, unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na magkikita pa sila ni Nenamia.

Sinulyapan ni Fermin ang suot niyang relo. Pasado alas siyete na ng gabi. Paano nangyari iyon? Pasado alas singko na nang umalis siya ng Baliwag, sa kung saan ang huli niyang suki. At sa daan , kung ilang beses pa siyang nasapot ng trapiko. Ibig sabihin, mga dalawang oras lang siya sa daan?

Kahit may pagtataka, sinasabi ni Fermin sa kanyang sarili: Nalibang lang ako sa masyadong pag-iisip kay Nenamia. Inakaba kong masyado akong nalibang kaya inisip kong masyadong napahaba sa biyahe.

Ngayong hindi na siya kalayuan sa kanila, saka nagbalik sa isip niya si Nenamia. Baka sa lugar na iyon, bigla na lang siyang parahin ni Nenamia!

Binagalan nang todo ni Fermin ang takbo ng kanyang sasakyan. Kung inaabangan siya ni Nenamia, hindi niya dapat itong malagpasan. Lilingap-lingap siya sa magkabilang tabi ng daan.

Abot-tanaw na ni Fermin ang lugar nila. Ang pag-asa na lamang niya ay ang makitang may kakaibang sasakyang nakaparada sa kanilang tapat. Pero malinis ang kanilang tapat.

Nang matatapat na siya sa kanilang bahay, halos ay lakad-tao na lang ang kanyang takbo sa sasakyan. Titig na titig siya sa bahay nila. Ang talagang plano noya ay lalagpas siya sabahay nila at pumunta sa kung saan niya natagpuan ang bahay ng mag- asawang Nenamia at Ferminomio. Kaya mabagal ang tagpo niya ya baka nas bintana si Nena ay makita siya.

“Dadaan ka na sa inyo, Fermin?” Boses-babae ang narinig niya at nanggaling sa loob ng dyip.

Hindi sinasadyang natapakan ni Fermin ang preno ng sasakyan. At muntik na siyang masubsob sa manibela. Kasabay niyon, hindik siyang napatingin sa dakong loob ng sasakyan.

“Nenamia! Nandiyan ka?”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.