Pumicpic, magdedepensa sa Japanese rookie boxer

Balita - - Sports - Gilbert Espeña

ITATAYA ni Richard Pumicpic ang kanyang world ranking sa ikalawang pagdedepensa ng WBO Asia Pacific featherweight title laban sa pinasisikat na Hapones na walang talong si Musashi Mori sa Nobyembre 25, sa Aioi Hall, Kariya sa Aichi, Japan.

Natamo ng 28-anyos at tubong Zamboanga del Norte na si Pumicpic ang WBO regional title noong Setyembre 29, 2017 sa pagdaig sa puntos kay twotime world title challenger Hisashi Amagasa sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Unang naidepensa ng Pumicpic ang titulo sa pagdaig kay undefeated Yoshimitsu Kimura via 12-round unanimous decision noong Abril 12, 2018 sa Korakuen Hall din kaya nagmarka siya sa Japanese boxing fans at nakalistang No. 8 kay WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico.

Batambata si Mori na 18anyos lamang pero minamadali ng kanyang manedyer na pumasok sa world ranking kahit nanalo lamang sa Pilipinong si Allan Vallespin sa 8-round majority decision sa kanyang huling laban noong Hulyo 15, 2018 sa Aioi Hall, Kariya, Aichi, Japan.

May rekord si Mori na perpektong 7 panalo. 5 sa pamamagitan ng knockouts kumpara sa beteranong si Pumicpic na may kartadang 21-8-2 na may 6 pagwawagi sa knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.