Balita

Tulong sa sinalanta ng ‘Quinta’ parating na

R286.3-M HALAGA NG PINSALA

- Beth Camia

Kumapit lamang at parating na ang tulong.

Ito ang mga katagang nasambit ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng naramdaman­g pag-aalala sa kaligtasan ng mga nasalanta ng Bagyong “Quinta.”

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, pinayuhan ng Pangulo ang mga nasalanta na maging matatag sa pananalasa ng bagyo.

“Aam ninyo po, doon sa mga nasalanta ng bagyo, huwag po kayong mag-alala, darating na po ang tulong ninyo. At ang Presidente po, talagang number one concern niya ay iyong safety at well-being ng mga nasalanta ng bagyo. Hang in there po at nandiyan na po ang tulong, parating na,” ayon kay Roque.

Una nang inianunsyo ni Roque na may P890 milyon na halaga ng relief packs at standby funds ang DSWD para sa mga nasalanta ng bagyo.

Umabot sa P286,287, 947.77 ang pinsala at pagkalugi na idinulot ng bagyo sa agrikultur­a, pangisdaan, imprastrak­tura, kabilang ang mga pasilidad sa elektrisid­ad, iniulat ng Office of the Civil (OCD) Bicol nitong Martes ng umaga.

Kabuuang 6,671 na mga bahay ang nasira ng bagyong Quinta sa Bicol, 6,428 sa mga ito ay bahagyang nasira, at 243 ang lubusang nawasak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines