Balita

Sandra Lemonon nakiusap itigil ang bashing

-

NANAWAGAN si Sandra Lemonon na matigil na ang bashing sa kanya man o kay 2020 Miss Universe Philippine­s Rabiya Mateo. Sabi naman ng netizens, si Sandra ang nagsimula ng bashing dahil sa mga post niya after madeklaran­g si Rabiya ang Miss Universe Philippine­s. Kaya ‘yung post ni Sandra na “This is also something I’d like to put a stop to. People hating/bashing/going below the belt & thinking that saying any of these malicious comments is okay. Nor will they have repercussi­ons.”

Pinost din ni Sandra ang mga natatangga­p niyang bashing na sinabihan siyang tatanda na lang siya sa pagsali sa beauty pageant na hindi siya mananalo. May nag-comment naman na ngayong nakatikim siya ng bashing, dapat itigil na rin niya ang mga pasaring sa Miss Universe Philippine­s.

Pero, may mga naghihinta­y pa rin nang ipinangako niyang pasabog sa katatapos na Miss Universe Philippine­s. Saan na raw ang pasabog niya? Kapag hindi raw nito inilabas ang mga pasabog na ipinangako, wala siyang isang salita.

 ??  ??
 ??  ?? Sandra
Sandra

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines