Balita

Heart pinatunaya­ng natural ang kanyang ganda

- Ni NITZ MIRALLES Heart

PARA patunayang hindi siya retokada at walang binago sa anumang parte ng kanyang mukha, nag-post ni Heart Evangelist­a ng photo niya when she was three years old. Litrato noong 19 years old siya at litrato nitong 35 years old na siya.

Makikitang walang nabago sa hugis ng ilong ni Heart, ganu’n pa rin ang eyelids at kung may nabago man ay dala ng make-up. Ang nose at eyelids kasi ni Heart ang sinasabing kanyang ipinaayos, kaya kanyang nahighligh­t.

Ang supporters ni Heart hindi rin naman naniniwala na nagpaayos ng kanyang ilong at eyelids si Heart at sabi nila, original beauty ang Kapuso aktres. Ang bashers at haters lang naman ni Heart ang nagpipilit na nagparetok­e siya ng mukha at lagi silang may rebuttal kapag may sinasabi ang supporters ni Heart.

Speaking of Heart, release at available na for download ang pre-recorded single niyang Breathe You at ang GMA Records ang nagdi-distribute. Ni-record ni Heart ang song when she was 21 years old.

“I remember at 21, I didn’t know what to do with my life. I just knew that I was extremely happy and free and I’m seeing the world slowly. I remember recording that song because I really had good people around me during the time. I just listen to the song and I remember myself as a 21-year-old girl who is very naive about the world, who thought everything was a fairy tale. It’s really refreshing to remember how I was back then,” sabi ni Heart.

Ang Breathe You ay available for streaming sa Spotify, Apple Music, YouTube Music at iba pang digital platforms worldwide.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines