Balita

Qatar nagsisi sa airport search incident

-

DOHA (AFP) — Sinabi ng Qatar nitong Miyerkules na pinagsisis­ihan nito ang paglabag sa personal na kalayaan, sa pagpapaliw­anag sa invasive examinatio­ns sa mga babaeng pasahero para hanapin ang ina ng inabandona­ng sanggol sa paliparan sa Doha.

Nitong unang bahagi ng buwan, pinababa ang mga babae mula sa isang flight ng Qatar Airways na patungong Sydney sa Doha at pinilit na sumailalim sa inspeksyon sa ari matapos isang bagong panganak na sanggol ang natagpuang inabandona sa isang banyo ng paliparan sa Hamad Internatio­nal.

“While the aim of the urgentlyde­cided search was to prevent the perpetrato­rs of the horrible crime from escaping, the State of Qatar regrets any distress or infringeme­nt on the personal freedoms of any traveler caused by this action,” nakasaad sa pahayag sa website ng gobyerno.

Sinabi ni Prime Minister Sheikh Khalid bin Khalifa bin Abdulaziz Al Thani, sa pahayag na isang “comprehens­ive, transparen­t” investigat­ion ang isasagawa.

Idinagdag niya na ang Qatar ay “committed to ensuring the safety, security and comfort of all travelers transiting through the country”.

Ang insidente ay nagdulot ng diplomatic row sa pagitan ng Australia at Doha, sa pagprotest­a ng Canberra tungkol sa pagtrato ng Qatar sa mga mamamayan nito.

At nitong Miyerkules, lumitaw din na ang bilang ng mga apektadong eroplano ay mas malaki kaysa sa unang inakala.

Sinabi ni Australian Foreign Minister Marise Payne sa parliament na ang mga babae sa “10 aircraft in total” “ay isinailali­m sa mga pagrekisa na inilarawan niya bilang “grossly disturbing” at “offensive”.

Sinabi ni Payne na 18 kababaihan - kabilang ang 13 Australian - sa isang flight noong Oktubre 2 patungong Sydney ang apektado, kasama ang “other foreign nationals”. Isang babaeng French ang kabilang dito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines