Setyembre 8, National Green Building Day
Mamarkahan ng bansa ang Setyembre 8 ng bawat taon bilang “National Green Building Day” upang itaguyod ang mga pamayanan na magiliw sa kapaligiran at mapagkukunan batay sa pinakahuling kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Proclamation No. 1030, idineklara ng Pangulo ang taunang okasyon upang maiangat ang kamalayan ng publiko sa paglikha ng sustainable development sa sektor ng konstruksyon.
“It is imperative to intensify existing initiatives to promote and raise awareness on the efficient and equitable use of resources, proper water and waste management, and integration of ecofriendly processes and systems, among others,” nakapaloob sa proklamasyon.
Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makipag-ugnayan sa non-government organizations (NGOs) at civil society groups sa pagsusulong ng ng mga proyekto, programa at aktibidad sa taunang okasyon.
Idineklara ring special working day ang Setyembre 8 sa pamamagitan ng Republic Act 11370 kaugnay sa paggunita ng Feast of the Nativity ni Birheng Maria.