Balita

‘Baby boom’ at ‘miracle baby’ ni Assunta

- Ni REMY UMEREZ

MAY baby boom na nagaganap sa gitna ng pandemya. Biro nga ng marami, “they have all the time in the world to produce a baby.” Kabilang sa mga first time mothers sina Anne Curtis, Solenn Huessaff, Max Collins at Coleen Garcia.

Last October 23 ay isinilang ni Assunta de Rossi ang una niyang supling after 16 years of marriage kay former Congressma­n ng Negros Occidental Jules Ledesma. Unlike the rest na buong pagmamalak­ing ipinakita ang kanilang pagbubunti­s.

Assunta shared her condition matapos makumpirma ng kanyang doctor na pregnant ang aktres. Ang malusog na baby girl na tinawag na “miracle baby” ay isinilang via caesarian section and named baby Fiore or flower in Italian. Unang apo ng mag-asawang Luigi at Nenita Schiavone unang pamangkin ni Alessandra at mga kapatid na sa Italy naniniraha­n. Sabik na silang masilayan si baby Fiore.

Para sa mag-asawang Jules at Assunta blessing at perfect Christmas gift ang pagdating ni baby Fiore sa kanilang buhay. Ang tanong: kailan naman kaya magkaka-baby ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines