Balita

Bea-John Lloyd reunion movie, hoping pa rin na matuloy

- Ni ADOR V. SALUTA

SIGURADONG may panghihina­yang na mararamdam­an ang Bea-Lloyd fans dahil apektado rin ng pandemya ang dapat sang reunion project nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa Star Cinema.

Ibinahagi ito ni ABS-CBN Films managing director Olivia M. Lamasan sa isang presscon sa ilang miyembro ng media kamakailan.

Ayon kay Direk Olive, tulad ng ibang produksyon, apektado rin ng pandemic ang movie nina Bea at John Lloyd, na dapat sanang ishoshoot sa Florence, Italy.

“Di ba minsan, kapag nagpalit ka ng location, nagpalit ka ng ganyan, ma-a-affect ang kuwento? This is exactly what happened to our much-awaited reunion movie, dream project, the John Lloyd-Bea reunion movie, which was supposed to have been released this year, pero nagkaroon ng pandemya.

“It was supposed to have been shot in Florence, Italy. Romancedra­ma, and it’s going to be directed by Cathy Garcia-Molina. So reunion movie nila after A Second Chance.

“Unfortunat­ely, the pandemic came so kailangan kaming kumambyo.”

Sinibukan daw nilang i-adjust ang meteryales sa Pilipinas, para sana ay dito na lamang kunan ang pelikula ngunit hindi kinaya.

“So, we have to change the concept and because of that, nadelay ang script developmen­t and we were not able to meet the schedules, the availabili­ty that John Lloyd and Bea gave us.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines