Kim Kardashian, binatikos sa kanyang ‘tone deaf’ birthday getaway
NAHARAP sa backlash nitong Martes ang reality TV star na si Kim Kardashian matapos ang umupa ng isang private jet upang ilipad ang kanyang entourage sa isang remote tropical island para sa marangyang pagdiriwang ng kanyang 40th birthday sa panahon ng COVID pandemic.
Si Kim at ang kanyang “closest inner circle” noong nakaraang linggo ay nagpakasaya sa pagsasayaw, kayaking at paglangoy kasama ang mga balyena sa isang pribadong isla kung saan maaari silang mag-“pretend things were normal just for a brief moment in time,” tweet niya.
Dinala ng biyahe ang mga celebrities, kasama ang mga kapatid niyang sina Khloe, Kourtney at si Kendall Jenner, may 4,000 milya (6,400 na kilometro) ang layo mula sa Los Angeles patungong Tahiti sakay ng isang Boeing 777, ayon sa E! at TMZ.
Iniulat na ang asawang niyang si Kanye West ay humabol sa kalagitnaan ng pagdiriwang.
“Before COVID, I don’t think any of us truly appreciated what a simple luxury it was to be able to travel and be together with family and friends in a safe environment,” isinulat ni Kim.
Ngunit ang glamorous festivities – at ang mga post ni Kardashian na ipinangangalandakan ang mga ito ay agad na kinondena bilang “disgustingly tone deaf” ng social media users sa panahon na pinatay ng coronavirus ang higit sa 226,000 mga Amerikano, at ang California ay nananatili sa ilalim ng non-essential travel ban.
“Cool, people have had to say goodbye to loved ones over the phone while they died alone in a hospital. but neat trip to post all over social media while the world suffers. so humble and so down to earth, truly,” tweet ni @JBomb11, sa post na mabilis na umani ng 11,000 “likes.”
“Are you that insensitive you don’t realize this is not what the majority of people during the worst covid spike yet want to hear? People are going to food banks not private islands,” post naman ng British musician na si Peter Frampton.
Sinabi ni Kim na ang kanyang mga bisita ay hiniling na mag-quarantine sa loob ng dalawang linggo bago umalis, at sumailalim sa maraming “health screens.”
Hindi siya ang unang tanyag na tao na nahaharap sa poot ng mga gumagamit ng social media sa pagpapakita ng kanilang pribilehiyo sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Noong Marso, habang sumunod ang US sa karamihan sa mundo sa lockdown, ang Hollywood stars sa pangunguna ni Gal Gadot (Wonder Woman) ay pinagtawanan dahil sa isang video montage nila na sila ay kumakanta ng Imagine mula sa kanilang mga malalawak na bahay.
Ang video, na naglalayon sanang maybigay ng ng pag-asa, ay binatikos na malayo sa buhay mga karaniwang tao.