Balita

TOPS ‘Usapang Sports, hihirit sa Olympian

-

PANGUNGUNA­HAN ni Tokyo Olympics campaigner and boxing champion Irish Magno ang mga panauhin sa gaganaping ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) ngayon via zoom hatid ng ‘Sports on Air’.

Inaasahang ibibigay ng Magno ang developmen­t sa kanyang pagsasanay para sa naiurong na Tokyo Games kasama si middleweig­ht fighter Eumir Marcial na kasalukuya­ng nasa US at nagsasanay sa pangangasi­wa ni boxing trainer legend Freddie Roach.

Makakasama ni Magno sa programa ganap na 10 ng umaga sina World karate online No.1 James de los Santos, at kata fighter Fatima Hamsain; gayundin si Kristopher Inting, pangulo ng United Kendo Federation of the Philippine­s.

Iniimbitah­an ang lahat na makiisa sa program na suportado ng Philippine Sports Commission, PAGCOR at Games and Amusemets Board (GAB).

Ang mayumi at popular na sportscast­er Phaister ang moderator.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines