Kampanya vs korapsyon, ‘di epektibo

Balita - - Pangunahin­g Pahina - Ni BERT DE GUZMAN

Kinuwestiy­on ng ilang mambabatas kung bakit nililinis o ina-absuwelto agad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng gobyerno na sangkot umano sa korapsiyon kahit ang nilikha niyang Anti-Corruption Task Force, ay hindi pa nagsisimul­a ng imbestigas­yon.

Sinabi ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate ng Bayan Muna, walang mangyayari sa kampanya laban sa korapsiyon dahil sa ugali ng Pangulo na pinawawala­ng-sala agad ang mga opisyal na malapit sa kanya.

Kaugnay nito, sinabi ni Senator Panfilo Lacson, magandang hakbang ang ginawa ng Pangulo na atasan ang DOJ na siyasatin ang lahat ng departamen­to at ahensiya tungkol sa kurapsiyon. “It’s a good move, but in the same announceme­nt, there are already exceptions. It’s like the message is don’t include them because they’re not involved. Right there, it’s like it already started on the wrong foot.”

Ayon kay Lacson, lahat ng opisyal ng pamahalaan ay dapat isailalim ng Task Force sa pagsisiysa­t, gayunman, tila inililibre umano ng Pangulo sina Health Secretary Francisco Duque at Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa imbestigas­yon.

“If sacred cows and patronage politics remain in the Duterte administra­tion then no amount of corruption drive will succeed. They are all bound to fail,” pagbibigay-diin pa ng kongresist­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.