Catriona Gray, judge sa Miss Universe Colombia 2020

Balita - - Pangunahin­g Pahina - Ni ADOR V. SALUTA

MASAYANG kinumpirma ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang kaniyang special participat­ion sa upcoming coronation ng 2020 Miss Universe Colombia.

Sa kanyang Instagram account, inilahad ng Pinay beauty queen ang kaniyang magiging role sa national pageant ng Colombia.

“Hola, Colombia!! So excited to announce I’ll be traveling to Colombia next month for the first time to be an official judge for Miss Universe Colombia 2020 @ missuniver­secolombia­org and also to work with @smiletrain as their Global Ambassador. Stay tuned for updates!”

Bukod sa pagiging hurado ng Miss Universe, isang mission rin sa Smile Train foundation ang pupuntahan ni Catriona bilang bahagi ng kaniyang official trip.

Si Catriona Gray ang isa sa masasabing unang Pilipina na magiging bahagi ng mga hurado sa inaabangan na National pageant ng Colombia.

Looking forward rin ang pageant fans sa mananalong Miss Colombia 2020 na makakalaba­n ni 2020 Miss Universe Philippine Rabiya Mateo.

Catriona

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.