2 minor, ‘hinigop’ ng ilog

Balita - - Pangunahin­g Pahina - Danny Estacio

TAYABAS CIY, Quezon – Binawian na ng buhay ang dalawang batang naunang naiulat na nawawala matapos na tangayin ng agos sa tinatawid na ilog sa Barangay Ilaya, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa pahayag ni Tayabas City Police chief, Maj. Romar Pacis, unang natagpuan ang bangkay ni Derick Cervantes, 9 kahapon ng umaga, at matapos ang ilang oras ay natagpuan naman ang bangkay ni Irish Deraman, 13.

Naiulat ng imbestigad­or, tumawid sa ilog ang dalawa, kasama ang tatlo pang menor de edad, sa kabila ng malakas na agos nito, dakong 6:32 ng gabi.

Gayunman, tinangay ng agos sina Cervantes at Deraman habang ang tatlong kasamahan ay nakaligtas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.