Crime rate, bumaba

Balita - - Pangunahin­g Pahina - Bella Gamotea

Bumaba ang bilang ng naitalang insidente ng krimen sa Metro Manila bunsod ng epektibong pagpapakal­at ng mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU), ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ni NCRPO chief, Maj. Gen. Debold Sinas, patuloy ang pagpapalak­as ng presensiya ng mga pulis sa mga lansangan sa National Capital Region kaya malaking tulong ito sa pagbaba ng kriminalid­ad na naiulat ng TMRU magmula Oktubre 20-26, 2020.

Idinahilan ng opisyal, ipinakalat nito ang nasabing mga tauhan nito sa matataong lugar at crime prone areas upang matakot ang masasamang-loob.

Sa resulta, walong pinagtutuu­nang krimen ang bumaba sa kabuuang 37 insidente o 24.84 porsiyento, mula sa dating 157 ay naging 118 na lamang sa nasabing mga petsa.

Bumaba rin sa 25 porsiyento ang kabuuang insidente ng Motorcycle Riding Suspect (MRS) kumpara noong Oktubre 13-19, 2020.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.