RFID stickers, drive-thru na

Balita - - Pangunahin­g Pahina - Mary Ann Santiago

Nag-alok ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng drivethru service para sa pagpapakab­it ng RFID stickers sa darating na Oktubre 31 at Nobyembre 1.

Isasagawa ito mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa kartilya ng Katipunan sa may Bonifacio Shrine sa Maynila.

Nilinaw ni Mayor Isko Moreno, layunin nitong makatulong sa national government para sa 100% cashless tollways payment scheme na ipatutupad nito simula sa Disyembre 1.

“Sa pakikipagt­ulungan ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, at CALAX, ito pong tinatawag na easy trip RFID... sa pakikipagt­ulungan ng mga nabanggit na may hawak ng kumpanya na ‘yun, mayroon pong magaganap na drivethru installati­on,” ayon sa alkalde.

Ang instalasyo­n ng RFID stickers ay para sa Class 1 vehicles lamang, kabilang ang kotse, SUV at passenger van.

“No documents needed, pumunta lang kayo dito, Sabado at Linggo. ‘Yan ang extra service sa inyo ng inyong pamahalaan­g-lungsod sa pakikipagt­ulungan ng DOTr at saka ng mga kumpanya,” ayon pa kay Moreno.

Libre ang stickers at kinakailan­gan lamang na magdala ng P200 para sa initial load at magsuot ng face mask at face shields.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.