‘Tulak’ dedo sa buy-bust

Balita - - News - Liezle Basa Iñigo

ISABELA – Natodas ang isang pinaghihin­alaang drug pusher matapos umanong lumaban sa mga awtoridad at naaresto naman ang kasamahan nito sa National Highway, Barangay Antonino, Alicia, nitong Miyerkules ng hapon.

Ang napaslang ay kinilala ng pulisya na si Joseph Cordova, taga- Saranay, Cabatuan, Isabela, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ang kasama niyang si Patrick Karlo Gatan, 38, may-asawa, at taga-San Andres, Cabatuan, Isabela ay naaresto.

Paliwanag ng pulisya, nagsasagaw­a lamang sila ng buy-bust operation, gayunman, nakahalata si Cordova at binaril ang grupo ng mga pulis, hanggang sa magkaroon engkuwentr­o na nagresulta sa pagkamatay nito, dakong 1:55 ng hapon

Kakasuhan naman ng pulisya ang naarestong kasabwat ni Cordova.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.