Magdasal, sa halip na magtakutan, tuwing Undas

Balita - - Opinyon - Leslie Ann G. Aquino

Sa halip na pagtuunan ng pansin ang katatakuta­n, hiniling ng isang obispong Katoliko sa mga mananampal­ataya na ituon ang pansin sa pagiging “banal” sa pagdiriwan­g ng Araw ng Mga Santo at Araw ng Mga Kaluluwa sa Nobyembre 1 at 2.

“We should not make the eve of Nov. 1 scary nor should we make ourselves look scary,” sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa isang pastoral letter na may petsang Oktubre 20.

“We can be holy instead of horrible. Let us strive to be holy. Let us be saints instead of scary,” dagdag ng obispo.

Sinabi ni Santos na dapat gunitain ng mga mananampal­ataya ang kagandahan ng buhay ng mga umuwi upang makasama ang Ama sa Langit.

“Let us recall their good words, lessons, and examples. These are the things we must remember and live by,” aniya.

Sinabi ni Bishop Santos na ang lahat ay dapat maghangad na maging banal habang tayo ay narito pa sa mundo.

“We must work not only to enter heaven but much more to be saints of God. Therefore, our life must always be in conformity, not in contradict­ion, to the will of God,” aniya.

“Our life should be aligned with, not away from God’s ways. Let us see and live specifical­ly in the light of reflecting His love and values to others. In doing so, we will be living a blessed life. We will be saints of God,” dagdag ni Santos.

“As we stay at home during this Nov. 1, let us resolve to live an honorable and holy life. We should be inspired with firm hope to be faithful to Christ’s teachings even in the middle of a pandemic,” aniya.

Sa nakalipas, sinabi ni Father Roy Bellen ng Archdioces­e of Manila Office of Communicat­ion na sinusubuka­n ng Simbahan na tanggalin ang tradisyon na naiimpluwe­nsyahan ng Kanluranin ng nakakatako­t na mga kalokohan at kakaibang kasuotan na nakikita ng maraming Pilipino sa panahon ng Halloween na nakatuon sa “paranormal” at bigyang-diin muli ang mensahe ng Araw ng Mga Santo at Araw ng Mga Kaluluwa.

Ngunit ang paglaban sa consumeris­m sa ‘All Saints ‘at All Souls’, sinabi ni Bellen, ay napakahira­p sapagkat ito ay naging isang nang “industriya.”

“Still, we hope to explain these things to the faithful. We teach them about the value of prayer, what is heaven but at the end of the day it’s a person’s choice and it’s God’s grace,” aniya.

Ang Araw ng mga Santo ay isang taimtim na piyesta opisyal na ginugunita taun-taon tuwing Nobyembre 1, bilang parangal sa lahat ng kilala at hindi kilalang mga santo ng Simbahang Katoliko.

Ang Araw ng mga Kaluluwa ay ginugunita tuwing Nobyembre 2 ay ang araw ng pag-alaala ng mga Katoliko para sa mga kaibigan at mahal sa buhay na pumanaw.

Sa Pilipinas, ang kapistahan na ito ay tinatawag na “Undas”. Sa panahong ito, kaugalian nang binibisita ng mga pamilyang Pilipino ang mga sementeryo at nagtitipun-tipon sa pigid ng libingan ng kanilang yumaong mahal sa buhay at naglalagay ng mga bulaklak at kandila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.