Lockdown ulit sa France, mga ospital mapupuno na

Balita - - Opinyon - Agence France-Presse

IPINAHAYAG ni French President Emmanuel Macron nitong Miyerkules ang isang bagong coronaviru­s lockdown hanggang sa Disyembre 1, sa layuning makontrol ang outbreak na tinatayang mapupuno ang mga ospital sa loob ng ilang araw.

“The virus is spreading across France at a speed that even the most pessimisti­c did not predict,” sinabi ni Macron sa inaabangan­g pahayag sa telebisyon.

Inamin niya na ang curfew para sa Paris at iba pang pangunahin­g mga lungsod na ipinataw dalawang linggo na ang nakakaraan ay nabigong maihinto ang pangalawan­g alon ng mga kaso na nagtaas ng bilang ng mga namatay sa France sa halos 35,000.

“As elsewhere in Europe, we are overwhelme­d by a second wave that will probably be more difficult and deadly than the first,” sinabi ni Macron.

“If we did nothing... within a few months we would have at least 400,000 additional deaths,” aniya.

“No matter what we do, nearly 9,000 people will be in intensive care by mid-November,” babala niya.

Nag-ulat Sante Publique France health agency nitong Miyerkules ng 244 na bagong pagkamatay sa virus sa nakaraang 24 na oras, at higit sa 36,000 mga bagong positibong tests.

Simula sa Huwebes ng gabi, ang mga bar, restawran at mga hindi mahahalaga­ng negosyo ay isasara, at kinakailan­gan ng nakasulat na mga pahayag para makalabas ang mga tao sa kanilang mga tahanan.

“Stay at home as much as possible, and respect the rules,” himok niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.