Busy ka ba sa end of the world? (1)

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

ANO ang gagawin mo kung alam mo na ngayon na ang huling araw ng mundo? Hindi huling araw mo na sa mundo, kundi katapusan na ng mundo.

Ilang beses nang hinulaan kung kailan matatapos ang mundo at kung paano ito mangyayari.

At kahit na ilang beses nang pumalpak ang hula (dahil nandito pa rin tayo), patuloy pa rin ang panghuhula kung kailan magugunaw ang mundo, ayon sa isinulat ni Simon Griffin sa ListVerse.

2017

Ayon sa Bibliya, ang Great Tribulation ang pinakamasamang panahon sa kasaysayan ng tao at masusundan ito ng pagkagunaw ng mundo.

Para sa mga doomsday theorists, ang tinutukoy na Great Tribulation ay ngayong taon— ang una sa pitong taon ng mga pangyayari patungo sa katapusan ng sangkatauhan.

Maraming Bible verse at kalkulasyon ang ginamit para makuha ang taong ito at ang mga pangyayari sa Jerusalem.

Noong 1217, naglabas ang rabbi na si Judah Ben Samuel ng mga prediksyon kaugnay ng Jerusalem at ang katapusan ng mundo.

S inab i n iya na makokontrol ng mga Turks ang mga lugar ng walong Jubilee. Ang Jubilee ay isang 50-taong panahon ng pagpapatawad, pagbura sa utang, kalayaan at awa ng Diyos.

Ayon kay Samuel, ang 1217 ang simula ng Jubilee cycle at noong 1517 ang taon kung kailan sinalakay ng mg a Tu rk o ang Jerusalem, 300 taon matapos ang kanyang prediksyon.

Noong 1917, o makalipas ang walong Jubilee, napaalis ang mga Turko sa Jerusalem.

Sinabi ni Samuel sa kanyang hula na ang lugar ay magiging no-man’s land sa ika-siyamna Jubilee— at sa panahon ito ang lugar ay napasakamay ng mga Briton. Iminungkahi ng mga Briton ang corpus separatum o ang pagkilala sa Jerusalem bilang isang international territory.

Noong 1948 ay pinagagawan ang Jerusalem ng Israel at Jordan. Naibalik naman ito sa kontrol ng Israel noong 1967, ang siyang pagtatapos ng 9th Jubilee.

Ang 2017 ang ika-50 taon mula nang mabawi ng Israel ang kontrol sa Jerusalem at siyang huling taon ng ika-10 Jubilee.

Ayon kay Samuel, ito ang panahon kung kailan pamumunuan ng mga Hudyo ang Israel at ang katapusan ng mundo ay magaganap na.

2018

Ang mga Hopi ay mga katutubong Amerikano na nakabase sa Arizona. Ang kanilang tribo ang pinakamalaki sa Estados Unidos at mayroong 6,557 kilometro kuwadrado na inilaan para sa kanila at may populasyon na 19,327 katao.

Gaya ng ibang katutubo ng sinaunang panahon, nakalaban din nila ang mga manlalakbay ng Espanya bagamat marami sa mga labanan sa pagitan ng 1542 hanggang 1680 ay ipinanalo nila.

Noong 1882, kinilala sila ni President Arthur at pinaglaanan ng lupa.

Noong 1958 , nagkausap si Minister David Young at ang matandang Hopi na si White Feather na nagbigay ng prediksyon.

Ang unang dalawang prediksyon na kanyang ibinigay ay ang mga taong maputi ang balat ang isang umiikot na gulong na puno ng boses. Ayon sa Hopi, ito ang pagdating ng mga tagaEuropa.

Sumunod ang “a strange beast like a buffalo” na ang tinutukoy ay ang modernong cattle farming.

Ang tatlong sumunod na prediksyon ay ang bakal na ahas (railway), higanteng sapot ng gagamba (telecommunication) at ilog ng bato (kalsada). Nangyari na ang mga prediksyong ito.

Si Feather ay mayroon ding prediksyon kaugnay ng pag-itim ng dagat. May mga nagsasabi na nangyari na ito noong 2010 ng magkaroon ng oil spill sa Gulf of Mexico ang siyang ikalimang pinakamalaking oil spill, kalahati lang ng Kern County spill noong 1910.

Ang sumunod na prediksyon ay ang kabataan na mayroong mahabang buhok na iniuugnay sa hippie movement.

Ang ikasiyam na prediksyon ay tungkol sa lugar na posible na ang langit na nasa ibabaw ngmundo na babagsak. Makikita umano ito bilang isang asul na bituin.

Isa sa pinaniniwalaang mangyayari ay ang pagtama ng kometa sa mundo.

May nagsasabi naman na ang babagsak ay ang Tiangong-1, isang Chinese space la b o r a tor y na nawalan ng kontrol ang mga may-ari nito noong 2016.

Umiikot pa rin ito sa mundo at pinaniniwalaan na babagsak kapag nawalan na ito ng momentum.

Pinaniniwalaan na babagsak ang space lab sa Oktubre 2018, kung hindi ito ang magdudulot ng katapusan ng mundo, pwedeng hintayin natin ang babagsak na kometa.

Itutuloy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.