‘MY WIFE’ ANG TAWAG KAY JESSY

Hiling ng fans: Nora, Vilma pagsamahin uli sa pelikula

Bandera (Mindanao) - - NEWS - BY JULIE BONIFACIO JJESSY MENDIIOLA AT LUIIS MANZANO NORA AUNOR

ISA-ISANG sinagot ni Luis Manzano sa Tonight With Boy Abunda ang iba’t ibang isyu sa kanya. Una na ang tungkol kay Alex Gonzaga na kasama niya sa bagong show ng ABSCBN, ang I Can See Your Voice.

Imbes na magalit kay Alex, ipinagtanggol pa ni Luis ang kanyang kaibigan at kasama sa show, “Hindi,” bungad niya when Kuya Boy asked him sa ginawa ni Alex sa kanya sa 33rd Star Awards forMovies na nag-viral sa social media.

Pagkatapos kasing manalo ng award ni Luis bilang PMPC’s Darling of the Press at habang nakaupo sa front seat ng theater, naka-microphone na sinabihan ni Alex si Luis kung magkano niya nabili ang kanyang award.

Pagpapatuloy ni Luis, “Ganu’n talaga kami maglokohan and gets evenworst. Nagkataon lang siguro. I completely understand the sentiments especially with the press and the people there na, it was a bit off. (But) don’t get me wrong, I’m justifying din naman.”

“Anyone who have seen me and Alex, me and Ate, I call her Ate, e, na kapag magkasama kami ang lokohan namin, grabe talaga.”

Dahilmay pinag-aralan at maganda ang breeding ni Luis, siya pa mismo ang humingi ng apology sa publiko sa ginawa ni Alex, “On behalf of Alex, especially the members of the PMPC, I would like to apologize na rin sa kanila. It should not mean anything bad,” pahayag ni Luis.

Samantala, sinorpresa ni Luis ang nasa studio ng TWBA. Kasama niya kasing dumating ang girlfriend o fiancée na yata niyang si Jessy Mendiola. Kinilig pang lalo ang audience when Luis confrontedthemaninthemirror tungkol sa current state ng kanyang puso at isip.

After he mentioned love, parang kinuha niya sa backstage si Jessy at pinaharap din sa mirror at ipinakilala sa "the man on the mirror" ang babaeng makakasama niya for the rest of his life.

At kung hindi kami nagkakamali, tinawag pa ni Luis si Jessy ng “my wife.” Sa hallkita way palabas ng ABS-CBN ay malugod na pumayag si Luis na kunan namin siy with Jessy ng picture.

SayniLuis saamin, kami rawang iilan sa pinakauna na nakunan sila ng picture na magkasama. Very rare yata na makita sila in public.

Naku, tiyak na mahahappynanghustoangMomskie ni Luis na si Lipa Cong. Vilma Santos-Recto.

Speaking of Cong. Vilma Santos, kabilang siya sa mga celebrity friends na dumating sa wake ng Manunuri at MTRCBmembernasiMario Hernando. Doon ay nagkita- pati mga kaibigan sa entertainment press ng Star For All Seasons kaya nakipagtsikahan kahit sandali ang ina ni LuisManzano.

MaynagtanongkayCong. Vi kung ano ang masasabi niya sa ginawang biro ni Alex kay Luis.

Sabi niya, “Alam mo naman ang dalawang yun ibang magkulitan. Unfortunately, baka maymga na-offend lang, si Lucky wala yun. Pag nagkita yung dalawa grabe kung magkulitan at saka nakamikropono. Ganu’n talaga sila mag-joke.”

Samantala,umaningiba’t ibang reaksyon ang pagsasama niCong. Vi at ng Superstarna si Nora Aunor sa 33rd Star Awards for TV.

Maraming nagre-request na pagsamahin uli sa movie sina Nora at Cong. Vilma pero ayon sa actress-politician wala daw offer na movie para sa kanila. Pero may mga nag-aalok sa kanya na pelikula kaya lang parepareho raw ang tema ng kwento.

“Kung gagawa ka rin lang ng movie e, 'di yung gusto mo na? Tingnan mo, after ng ‘The Healing,’ that was two years after, at least we made a good choice ang ‘Everything About Her.’ Kung every two years kang gagawa, pumili ka na ng maganda," esplika ni Cong. Vi.

Ikinuwento rin niya ang ilang napag-usapan nila ni Nora sa backstage, “Huli kaming nagkita sa ‘In My Life’ pa. Nagtatawagan naman kami pero nawala raw ‘yung phone niya kaya nawala ‘yung contact namin, mga ganu’n. Tapos ibinigay na namin ang phone (contact) sa isat isa,” lahad ni Cong. Vi.

Na-miss din daw nila ang isa’t isa kaya marami-rami silang napagkuwentuhan habang nasa backstage.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.