SUPER HOROSCOPE

Gustong hiwalayan ang kerida (2)

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

Sulat mula kay Caleb ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City, Problema:

1. Ako po ay may legal na pamilya, pero bukod sa legal na pamilya, may roon din akong binabahay na babae sa ngayon nang hindi alam ng misis ko. Magdadalawang taon na ang lihim namin ng kerida ko. Ang problema simula nang humina ang kita ko sa pinapasukan kong kumpanya at nawala pa ang mga over-time ko, hindi ko na kayang suportahan ang babaing kinasakama ko dahil wala na akong pambayad sa apartment at pang-sustento sa kanya. At sa ngayon balak ko na siyang iwanan. Ang kaso kapag daw naghiwalay kami nagbanta siya na magpapakamatay at bago daw siya magpakamatay ibibisto nya raw lahat sa asawa ko ang ginagawa naming kalokohan.

2. Kaya sa ngayon litong-lito na ako sa kakaiisip kung paano ko mahihiwalayan ang babaing ito na hindi mae-eskadalo ang pamilya ko? October 4, 1975 ang birthday ko.

Umaasa, Caleb ng Lapu-Lapu

City Solusyon/Analysis: Astrology:

Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang babaeng kerida o number twomo ay isang Virgo, tunay ngang madali mo lang siyang mahihiwalayan at magagawa mo agad ito sa kasalukuyan buwan ng Setyembre. Numerology:

Ang birth date mong 4 ay nagsasabing hangga’t hindi mo iniiwan ang iyong kerida tiyak ang magaganap lalo ka lang mapapalautan at magkakaroon ng maraming problema sa pera at sa bandang huli ay maaari pang ikasira ng iyong pamilya. Graphology:

Ang nakatutuwa hindi naman nababoy o naburara ang iyong lagda. Ito ay tanda na ano’t-anuman ang mangyari sa bandang huli, magiging maayos at matino din ang buhay mo at makakabalik ka sa pagiging isang mabuting asawa at ama ng inyong mga anak. Huling payo at paalala:

Caleb, tungkol sa iyong kapalaran hindi matatapos ang buwan ng Setyembre pinakamatagal na sa unang linggo ng Oktubre, tuluyan kang makapagpapasya upang iwanan ang iyong kerida, at sa sandaling ginawa mo ito, tuloy-tuloy na ngang titino ang buhay mo, muli kang uunlad sa materyal na bagay habang ang kerida mo naman ay makakahanap ng bagong pakikisamahan na binata at siya ay pakakasalan na hahantong ang nasabing samahan sa isang maayos at masaya ding pamilya habangbuhay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.